Woohoo New Year’s Post.

Standard

Significant ang New Year hindi lang dahil sa paglipas ng oras, kung hindi pati na rin sa pagkakataon na dala nito. Salamat sa lahat ng naging parte ng 2014 ko. Hindi magiging worth it ang nakaraang taon kung hindi dahil sa inyong lahat.

Kay Mommy, Ate, at sa iba pang miyembro ng pamilya a.k.a. Team Consul, salamat kasi naging home ang house na ito dahil sa inyo. Salamat rin sa walang-sawang suporta, pag-intindi, at pagmamahal. Mahal ko kayo, swear, kahit na ang labo ko minsan.

Sa mga kaibigan ko galing sa high school, salamat sa pananatili, at sa patuloy na pagbuo ng mga memories. Kahit na hindi ko na kayo ganun kadalas makita, alam niyong importante kayo sa akin.

Sa mga kaibigan ko sa college, kasama na siyempre ang Block J, mga kaklase, at ang iba’t ibang mga tao mula sa iba’t ibang orgs, salamat sa pagiging mga tahanan ko sa Ateneo.

At sa iyo, Lord, salamat sa mga leksyong natutunan, sa mga pagbabago, at sa mga pagkakataong binigay, binibigay, at ibibigay Mo sa akin. Salamat.

Happy New Year everyone. Rak na talaga itu.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s