ngayon

Standard

Pinagtagpo tayo ng Diyos, ng panahon, ng
tadhana
at nagpapasalamat ako para dito sapagkat
ang mga huling araw
na ito
ang isa sa pinakamaligayang araw
na naranasan ko sa sobrang tagal na panahon.

Ang makapiling at makasama ka
ang tahimik na sandali
ang usapang nakakapagpalinaw sa aking
pagkalabo-labong pananaw;
nagpapasalamat ako para sa lahat ng ito,
nagpapasalamat ako para sa iyo.

Ngunit ang minsan ang tadhana’y malupit,
hindi agad-agad nagpapatawad
at kahit ang damdamin man ay nariyan
ang pagkakataon ay hindi tumutugma rito.

Hindi ako nararapat para sa iyo
ngayon.
Hindi nararapat na nakatali ka sa akin.
Hindi pa ako handa.

Hindi ko na hihilingin ang pag-ibig
o kahit ang pagkakaibigan.
Hindi ko hihilingin ang maging masaya
sapagkat ang bawat salitang lumabas sa aking bibig
nang may kaalaman na
hindi naman tayo nararapat para sa isa’t isa
ay parang pag-ikot
sa kutsilyong nakabaon sa puso ko.

Wala akong maaaring hilingin sa iyo
dahil kasalanan ko ito.

Pasensya na.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s